"Those dreams of yours
Are shining on distant shores;
And if they're calling you away
I have no right to make you stay."
Somewhere Down the Road. Isa ito sa mga popular na love songs para sa mga dating magsing-irog na kailangang i-let go ang isa't-isa sa kadahilanang paghihiwalay ang tamang dapat gawin. Isinasalaysay sa awiting ito ang isang naglahaong pag-ibig habang ang isa'y hindi parin bumibitiw at umaasang sila'y magkakabalikan pang muli.
Marahil isa sa mga naappreciate kong lesson namin noong kinukuha ko pa lamang ang subject ko sa Buhay ni Rizal (although, nalagpasan ko lang talaga ito) ay ang kwento ng pag-iibigan nila ni Seiko Usui o mas kilala natin sa pangalang O Sei San.
Nagsimula ang istorya nang si Rizal ay naimbitahan ni Don Perez Caballero, kalihim ng Spanish Legation, na manirahan kasama niya noong February 1888 at siya'y na-offer-an ng isang posisyon sa nasabing legation at pinasasahuran ng P100 a month (malaking halaga na yon nung panahon nila). Lulan ng SS Oceanic mula Hong Kong, naglayag si Rizal patungong Japan.
Mga ilang araw mula ng dumating at manirahan si Rizal kasama si Perez Caballero sa Spanish Legation sa Japan (mula Yokohama, sa Osaka at Tokyo), tagsibol, napansin ni Rizal ang isang magandang Haponesang naparaan. Tila na-love-at-first-sight siya sa kagandahan ng dalaga at sa kaibig-ibig nitong mukha. nagsimulang magtanong-tanong si Rizal tungkol sa pangalan ng babaeng ito na nakabighani sa kanya. Hanggang sa nalaman niya mula sa hardinero na Seiko Usui ang pangalan nito, anak ng isang Samurai. Nang hapon ding yaon, inaya niyang maglakad-lakad si Seiko malapit sa legasyon.
Dumaan ang mga araw at nahulog din ang loob ng Haponesa kay Rizal dahil sa katalasan ng isip nito at sa panghalina nito. Si Rizal ay 27 taong gulang habang si Seiko ay 23. Dahil hirap si Rizal sa wikang Hapon, madalas silang mag-usap sa wikang Ingles at Pranses. Mula noon, naging araw-araw na kung magkita ang dalawa at kanilang binibisita ang mga kawili-wiling lugar sa Tokyo. Si O Sei-San ang nagturo sa kanya ng wikang Hapon maging ang kultura ng kanilang bansa. Maituturing na isang ehemplo si O Sei San ng isang Haponesang mataas ang pinag-aralan.
Ang maikling (2 buwan) pananatili niya sa Japan ay napatunayang pinakamasasayang mga araw sa buhay ni Rizal sapagkat hindi lamang siya nabighani sa mga magagandang tanawin dito, bagkus, siya'y napa-ibig din kay O Sei San. Ngunit nang kailangan nang umalis ni Rizal, ay kailangan na din nilang tapusin ang kanilang pag-ibig. Lubhang ikinalungkot ni Rizal ang pangyayaring ito na kailangan niya nang mag-sayonara (goodbye sa wikang Hapon) kay O Sei-San. Nilisan ni Rizal ang Japan patungong San Francisco lulan ng English ship Belgic noong April 1888. Isang araw bago siya umalis, isinulat ni Rizal ang kanyang panghihinayang sa kanyang pag-alis at ang pangingulila niya sa pag-ibig ni O Sei San...
“. . . O-Sei-san, sayonara, goodbye! I have spent a lovely golden month; I do not know if I will have another one like it in all my life. Love, money, friendship, esteem, privileges… no woman like you has ever loved me..no woman has made such sacrifices as you have...you shall never know what I still think of you, and that your image lives on in my memory..when shall I return to spend another divine afternoon like that in the temple of Meguro?..when will the sweet hours I spent with you come back?...everything is at an end! Sayonara, goodbye!"
Our roads are gonna cross again
It doesn't really matter when
But somewhere down the road
I know that heart of yours
Will come to see
That you belong with me
Letting go is just another way to say
I'll always love you so."
Dahil sa tindi ng pagmamahal niya kay Rizal, lumipas pa ang 11 taon bago tuluyang naka-move on si O Sei San. Marahil dahil na din hindi naman nag-iwan si Rizal ng pangakong babalik siya sa Japan, o marahil ay natanggap na din niyang ang sakripisyo ng kanilang paghihiwalay ay upang magampanan ni Rizal ang kanyang adhikaing makitang malaya ang kanyang bayang Pilipinas, kaya rin nag-asawa na din siya ng ibang lalaki. Taong 1897, isang taon makalipas mamatay si Rizal sa Bagumbayan, nakilala niya ang isang Britong nagngangalang Alfred Charlton na naging guro ng Ingles sa Japan. Namatay si Charlton noong November 2, 1915 at naiwang balo si O Sei San. Marahil ay sa inspirasyong idinulot ni Rizal sa kanya kaya nagawa pang malagpasan ni O Sei San ang World War II bago siya namatay noong May 1, 1947 sa edad na 80.
Sources:
http://www.nhcp.gov.ph/index.php?option=content&task=view&id=708
http://en.wikipilipinas.org/index.php?title=O_Sei_San
Lyrics Courtesy of:
http://www.lyricsmode.com/lyrics/n/nina/somewhere_down_the_road.html
(Somewhere Down the Road by Nina)
No comments:
Post a Comment