"Kuhang kuha mo talaga ang tatay mo."
Ito ang linyang ayaw na ayaw kong naririnig noon. Ewan ko ba. Hindi naman sa hindi ko gustong maging katulad ni Papa, pero mas gusto ko lang maging ako--ako lang mismo. Unique ang mukha, ang pagkilos--ang buo kong pagkatao. Ngunit anuman ang gawin ko, hindi ko maalis ang katotohanang kalahti ng pagkatao ko ay kay Papa. Pangalan pa lang. at yun pa ang napili kong palayaw--ART. Ewan ko nga din kung bat mas pinili niya ang palayaw na Bhoy.
Lumaki ako na 'tila sanay nang wala si Papa. OFW kasi siya sa Saudi simula 2 years old palang ata ako. At kung siya'y umuwi, minsan lang sa dalawang taon. May pagkakataon ding nag-eextend siya hanggang 3 taon para may maiuwi man lang pag nagbalik-bayan siya.
Makailang birthday ko rin na madalas wala siya. Sanay naman na din akong 3 lang kami ni Mama at Ate na nagsecelebrate ng birthday namin. Ilang taon din na laging si Mama ang laging nagsasabit ng medalya ko tuwing nakakuha ako ng honor sa school.
Siguro nga't mas marami pa akong naikuwento noon sa Mothers' Day blog ko noon tungkol sa mga oras na magkasama kami ni Mama kaysa sa blog ko ngayong Fathers' Day para kay Papa. Ngunit hindi iyon nangangahulugang wala kaming masasayang sandali ni Papa.
Grade 5 ako noon, nakatakda na sana siyang umuwi pero mas pinili niya daw mag-extend ng isa pang taon. Sa sobrang kitid ng utak ko at siguro sa pagkasabik naring makita siya, nasabi ko nalang nung minsa'y tumawag siya sa cellphone, "Kung wag ka na kayang umuwi?" Yun pala, ang pag-eextend niya ay para maging present sa Graduation ko nung Grade 6. At siya ang nagsabit sa akin ng aking gintong medalya. Nung 4th Year naman ako, hindi siya nakauwi, ngunit pinilit niyang makatawag marinig man lang ang Valedictory Speech ko.
19 years old ako. Huling birthday ko sa dati naming bahay, umuwi siya. At gumuwa siya ng specialty niyang okoy at ipinatikim sa mga bisita ko. At nang dumating din ang unos sa akin at sa pamilya namin. Kailangan na naming bakantehin ang bahay dahil inaangkin na ito ng tunay na may-ari. Wala pa kaming malilipatan. Inamin din nila na maaaring mahinto na ako sa pag-aaral dahil sa dami ng dapat bayaran. Ngunit sa lahat ng ito, nantiling matibay na haligi si Papa para sa pamilya. Yung buong 2-3 buwang bakasyon niya, nakita ko at naappreciate ang magiging tunay niyang ama sa amin n nagsilbing suporta ng pamilya namin upang di ito bumagsak sa pagdaan ng mga bagyo.
May panahon ngang, inimbitahan siyang mag-preach sa isang church ng kaibigan niya. Tapos, dahil tiwala siya sa gift ng Lord na ibinigay niya sa akin sa pagbabahagi ng Word, ako ang isinalang Niya,
Dama ko ang hirap ng magpalaki ng anak nang malayo sa kanya. Pero dito ako hanga kay Papa. Hindi niya inda ang lungkot at pagka-homesick sa avroad para lamang masuportahan kami. Ang mga araw na panalangin na lamang sa Diyos ang tangi niyang paraan para maipaabot sa amin ang kanyang pagkalinga't pagmamahal ng asawa at ama.
Kaya naman Saludo ako kay Papa sa katatagan niya, katiyagaan, pagdidisiplina at higit sa lahat ay ang banal na takot niya sa Diyos. Isa ito sa mga "namana: kong katangian sa kanya, Yun siguro ang masasabi kong "Like Father, Like Son."
HAPPY FATHERS' DAY, PA! Mahal ko po kayo!
No comments:
Post a Comment