Naalala mo pa ba noong ipinaglilihi mo palang ako? naikwento mo na sa akin ito noon. Sabi mo, tinatago mo pa yung hipon na ilalagay dapat ni Papa sa gagawin niyang okoy para ilako...Eh yung araw ng kapanganakan ko? Sabi mo, on the way palang kayo sa ospital, lumabas na ang malaking ulo ko. Di ko lang maimagine, paano kaya yung lumakad ka na papasok ng Emergency room tas nakalawit yung ulo ko. HELLO WORLD! :D Sabi mo pa nga, inakala mong Ceasarean ulit. Delikado kasi Ceasaran ka na kay ate. Awa ng Diyos, nadaan sa forcepts. NORMAL padin.
Naaalala mo pa ba yung unang taon ko? Unang taon din yun ni Papa sa Saudi. Di ko lang po maimagine yung hirap mo na palakihin kami ng mag-isa lalo pa't napakabata pa namin noon. Pero ewan ko ba. Ang tatag mo, Mas matayog ka pa sa Narra, matibay pa sa kawayan, maasim pa sa sampalok! (teka ba't napasok yun? TULOY!)
Yung tinuturuan mo pa ako magsulat? Dyslexic pa nga ako nun eh. Bali-baliktad pa sulat ko ng letters ko. Pero nagtyaga ka padin. nang tinuturuan mo palang akong magbasa, buyoy ako nun. Pero sige lang. Yung tinuruan mo din ako magbilang, dahil dun, nakabisado ko halos lahat ng telephone number ng mga kamag-anak natin. Yung mga tanong ko kahit ambisyoso akong bata, sinasagot mo. EH KASI, BATA!Nung sa sobrang pikon ko nun sa kalaro ko, binato ko ng bato tas nagkasugat sa ulo, nung nadadapa ako sa habulan namin, nang nakagat ako ng aso, nang pinagalitan kami ng mga Instik na kapitbahay dahil sa paglalaro namin ng doorbell nila, lahat yun, ikaw ang humingi ng paumanhin at nagdisiplina sa akin.
Sa unang taon ko sa pag-aaral, sabi ng ibang mga teacher ko, i-accelerate mo na ako, di ka pumayag, sabi mo baka mabigla ako. sa mga projects (lalo na yung arts mosaic at yung tahian, alam mo na, pasmado at takot matusok.) ikaw ang sumasalo. Sa dami ng taong umaakyat ka sa stage para sabitan ako ng medalya at sa mga rewards na binibili mo, kaya dumami ang mga laruan kong robot nun. HAHA. Sobrang proud ka sa akin. Sa dami ng sermon, mga bilin, utos at pangangaral.sa almost 21 years na mag kasama tayo... kahit minasan may tampuhan, nananatiili ka paring mabuting ina sa amin ni ate. siguro nga't di ko malilista ang lahat ng mga times for that 20 years na nagkasama tayo, pero hindi naman na yun mahalaga. Marami pang taon tayong magkakasama, Ma. Sorry po at times di ako nakikinig. Marahil ay sinusubukan ko din pong mag-isip at mag-mature. Sorry po kung di ko mameet ang expectations ninyo sa akin. Sorry po kung nagdedemand din po ako masyado sa inyo...
|
Pero isa lang po masasabi ko, I AM BLESSED TO HAVE A WONDERFUL MOM SUCH AS YOU. At kung bibigyan din po ako ng pagkakataon ng Diyos na pumili ng isang ina sa kabilang buhay, kayo parin po ang pipiliin ko.HAPPY MOTHERS' DAY MA! I LOVE YOU SO MUCH!
"She watches over the affairs of her household and does not eat the bread of idleness. Her children arise and call her blessed; her husband also, and he praises her: 'Many women do noble things, but you surpass them all.' Charm is deceptive, and beauty is fleeting; but a woman who fears the Lord is to be praised. Honor her for all that her hands have done, and let her works bring her praise at the city gate." (Proverbs 31:27-31 NIV)
-Si Art Po. Gwapong Anak niyo :)
"She watches over the affairs of her household and does not eat the bread of idleness. Her children arise and call her blessed; her husband also, and he praises her: 'Many women do noble things, but you surpass them all.' Charm is deceptive, and beauty is fleeting; but a woman who fears the Lord is to be praised. Honor her for all that her hands have done, and let her works bring her praise at the city gate." (Proverbs 31:27-31 NIV)
-Si Art Po. Gwapong Anak niyo :)
No comments:
Post a Comment