"Sila nanaman?"
"Sila nalang ng sila."
"Gaya ng inaasahan."
"Sikat eh."
Ilan lang ito sa mga narinig at nabasa kong kumento mula sa aking mga kabarkada't kapamilya (sige isama nadin ang kapatid at ang kapuso. OK na?) isang araw matapos ang isa nanamang makasaysayang event sa ating bansa. Ngunit ang tanong ng marami na tila ay mahirap sagutin, lalo na't nag nagsimula ng maglabas ang COMELEC/PPCRV ng mga initial partial results ilang minuto matapos pormal na isara ang halalan, ay ang "Paano/Bakit siya?" Ako mismo ay nagtaka. "Bakit siya nakapasok? Eh ganito, eh ganyan." Di ko rin alam.
Mula pa noong Marso ay tila nagpapa-sikatan na ang mga aspirants para maging kilala sa tao. Kaliwa't kanan ang mga parada at campaign jingles. Dito nga sa Caloocan, may kandidato pang gumamit ng Voltes 5 at Submarine ni Andrew E. Halos sunod-sunod na pasurvey ng iba't ibang organisasyon, mula sa Pulse Asia, SWS, maging hanggang sa mga Unibersidad at mga Kolehiyo. Umulan din ng mga Political Ads sa Radyo't Telebisyon. Maya't maya nadin ang mga Debates at Forums upang mas makilala ang ating mga kandidato. At sino ba naman ang di nahagip ng mga usapan sa Social Media lalong-lalo na sa Facebook?

Isa sa mga nakatawag ng pansin sa sakin, lalo na sa resulta para sa pagkasenador, ay ang pagkaka-top ng mga sikat na pangalan. Nangunguna sa listahan ay ang Anak ni Da King. Maging ako ay nagulat. Hindi siya numero uno sa mga survey, ngunit sa resulta ng voters turnouts, 14M+ ang sumoporta sa kanya. Siguro nga'y basang-basa na natin ang mga isip ng tao. "Tatay niya kasi si Da King. Eh mahal yun ng taumbayan. Lalo pa't dinaya noon ang tatay niya para sa pagka-Pangulo". Yun nga ba ang dahilan kung bakit sya mananalo?
Pang-apat sa listahan ay ang Keso ni Puso. Kontrobersyal ang senador dahil sa issue sa pagitan ng kanyang kasintahan at nang mga magulang nito. Sinasabi nang ilan na ito'y isang "black propaganda" upang madiscourage ang mga supporters niya para bumoto ng pabor kay Senador. May mga ilan ding nagsabing, masamang ehemplo sa kabataan ang kanyang ginawa sa magulang ng kanyang nobya, lalo pa't kabataan ang sentro ng karamihan sa kanyang adhikain. Ngunit baliktad ata ang naging resulta. Tila nakatulong pa ang "black propaganda" upang siya'y makapasok muli sa Senado. Muli, yun nga ba ang dahilan kung bakit sya mananalo?
Isa pang kagulat-gulat ay pag-lapag ni Nanay de Pamilya sa ikalimang pwesto sa pagkasenador na ni isang beses ay di sumipot sa mga debate at forums. Ni hindi rin naging madalas ang pag-ere ng kanyang mga political ads sa mga TV stations o maging sa radyo. Ngunit sa ganitong kaso ay tila nakatulong ang social media sa kanyang kampanya. Isang sikat na page sa FB ang garapalang hinusgahan sya dahil sa kanyang kulay. Ngunit kaysa umimik ay nanatili siyang tahimik tungkol dito. Libreng kampanya pa nga ang naging resulta nito para sa kanya. Pero, yun nga ba ang dahilan kung bakit sya mananalo?
Kapansin-pansin din ang mga pangalang nasa huling pwesto. Mga hindi kilala, mga ika nga ng marami, "wala pa raw napapatunayan". Ang akin lang, mabibigyan din ba sila ng pagkakataong magkaroon ng papatunayan kung tayo ay tatangging ilaan ang kahit isang boto sa isa man lang kanila?
Opinyon ko lamang. Tila ba ay markado na sa ating mga Pilipino ang mga sumusunod na kaisipan,
1. "Bagito palang yan. Wala pang napapatunayan. Hindi ko yan iboboto."
2. "Eto iboboto ko, si kwan. Matagal ng nagiging Senador yan. May napatunayan na yan eh."
3. "Ok naman si kwan. Siguro ok din tong kamag-anak niya. Di naman niya siguro ipapahiya ang kanyang...(kamag-anak)"
4. "Kababayan namin si kwan eh. kaya iboboto ko yan."
5. "Idol ko si ganito eh. kaya iboboto ko yan."
6. "Natulungan na kami ni ganito, may utang na loob na kami sa kanya, kaya iboboto namin yan."
Pansin niyo ba? Dahil SIKAT, kilala mo, nakatulong siya sayo (well, di ko naman sinasabing laging mali), o kamag-anak ng katulong ng lolo ng tiyuhin ng bilas ng kapitbahay niyo na suki ni Aling Puring na madalas ay nakikipaginuman kay kwan at nakikipag-tong-its ke ganito (Ah ewan!) kaya mo sya iboboto.
Takot kasi tayong matalo. Takot tayong magbakasakali. Hanggat may paraan tayo makasiguro, dun tayo. Walang mali sa pagiging sigurista kung ikaw mismo ay napatunayan mo na. Ang akin lang, paano mo masusubukan ang mga baguhan kung lagi ka sa datihan? Paano sila magkakaroon ng pagkakataong may mapatunayan kung lagi tayong susuporta lagi sa sikat lang? Hangga't di tayo matututong manindigan sa ating sariling naisin at lagi nalang makikiayon sa naisin ng nakararami, hindi tayo uusad. Paulit-ulit na lang. Dahil ang nakaupo, sila at sila na lang. Sila at sila nanaman. haays...
Hanggang kailan Pilipino? Hanggang kailan?

No comments:
Post a Comment