Alam na alam na
natin ito. Kapag sinunod natin ang ipinag-uutos, pagpapalain tayo; at kung
hindi naman, mararanasan natin ang consequences na kaakibat ng ating
pagsuway. Kahit noong tayo ay mga bata pa lamang, pamilyar na pamilyar na tayo
sa reward system. Tinuruan tayong sumunod sa loob ng
bahay, sa school, sa church. Pero bakit tila ba gustong-gusto
pa rin natin ang sumuway?
Dito sa Pinas,
mayroon tayong malalaking sign boards na
nagsasabing, "BAWAL TUMAWID. GAMITIN ANG FOOTBRIDGE."
na ang hirap-hirap sundin. At kalaunan, ang simpleng sign board na ito'y nag-evolve sa “WALANG TAWIRAN. NAKAMAMATAY” at ngayon ay, "BAWAL TUMAWID. MAY NAMATAY NA
DITO."
At ang ironic dito, dumadami pa rin ang
tumatawid. Naisip ko lang, bakit hindi na lang gawing, "HALINA'T TUMAWID
AT MAMATAY." ang mga sign boards na ito. Baka sakaling effective. Anong masasabi niyo?
Bakit nga ba ang hirap sumunod? Yung iba, tinatamad lang daw basahin ang instructions. Para sa iba, freedom daw na maituturing ang magawa ang gusto nila, kahit bawal. Ayaw na ayaw natin ang pinagbabawalan, o ang masakop ninuman o ng anuman. "REBOLUSYON!" Ang sabi naman ng iba, "Mas
masarap gawin ang ipinagbabawal." Mas cool. Mas may thrill. Mas astig ka
kapag sumaway ka at hindi ka nahuli o naparusahan. Kaya naman pati sa
pakikipagrelasyon, "against all odds" ang drama. Nakakalungkot man,
pati sa pakikipagrelasyon ng mga Cristiano ay usong-uso na din ang pagsuway.
“Do not be yoked together with unbelievers. For
what do righteousness and wickedness have in common? Or what fellowship can
light have with darkness?
(2 Corinthians
6:14, NIV)
Sa kanyang unang librong, LOVESTRUCK: Love Mo Siya, Sure Ka Ba?, tinawag ito ni Kuya Ronald Molmisa bilang 6:14 Rule. Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng pagsunod ng mga Cristianong kabataan patungkol sa kautusang ito. Hindi kailanman pinapayagan ng Biblia ang relasyon sa pagitan ng mananampalataya at hindi. “It will surely bring challenges to both persons,” said Kuya Ronald.
Balikan nating saglit ang naunang verse. Ginamit dito ang salitang “yoke”. Ang yoke (o pamatok sa wikang Filipino) ay isang kapirasong kahoy na inilalagay sa batok ng dalawang hayop upang magtulungan na araruhin ang isang palayan.
Similarly, ang punto ng verses na ito ay “kailangang nasa iisang bangka lang ang [mag-partner]. Hindi puwedeng magkaiba ang direksyon nila sa buhay.”
Binasag din ni
Kuya Ronald ang mga depensa ng maraming mga kabataan patungkol sa ganitong
setup. Isa na rito ay ang madalas na nating marinig na “Madadala ko rin siya sa
Diyos.” Tinawag niya itong “missionary
dating” kung saan sinasabi nang mga kabataan na isa raw itong paraan para
maka-reach out sa kanila
(unbelievers).
“Pero madalas,
hindi ang Cristiano ang nakakahatak sa mga hindi mananampalataya kundi sila ang
nadadala palayo sa Panginoon.”
Ayon sa author,
maliit lang ang posibilidad na magiging tunay na Cristiano ang isang tao dahil
lang minamahal mo ito. “Ang pagiging Cristiano ay isang desisyon.” Kaya naman
ang payo ni Kuya ay ipanalangin na lamang ang mga ito na mayroong kaibigan of
the same sex na siyang magbabahagi ng Salita ng Diyos sa kanya. Sabi pa niya, “Napaka-self-serving kung kayo rin ang
magi-evangelize.”
Para naman sa mga
ilan na naging Cristiano noong panahon na mayroon na silang BF/GF na
unbeliever, ipinapayo ni Kuya Ronald na bigyan ito ng “time to have a personal relationship with the Lord.” At kung wala
talaga itong interes, Kuya stressed, “you must make the painful but necessary
decision—END the relationship. Mahirap gawin, pero kailangan.”
May iba namang
ang depensa ay matino at mabait ang ka-partner
kahit pa man ito ay unbeliever. Sagot
ni Kuya Ronald, “Hindi usapan dito ang katinuan at kabaitan… Kung talagang
matino ang iyong ka-partner, iaalay
niya ang buhay niya sa Panginoon.”
Payo ni Kuya
Ronald, “Date only the one who shares your beliefs.” Hinamon niya rin ang mga
kabataan kung sino ang mas susundin ng mga ito patungkol sa pakikipagrelasyon, “Ang
sarili mo, ang BF/GF mo, o ang kalooban ng Diyos?”
Sa pagtatapos ng
chapter, itinuro ng author na ang si Lord ang dapat maging priority bago ang
iba. Sabi niya, “Hindi natin puwedeng ihiwalay ang lovelife natin sa pananampalataya
natin. Our relationships must be surrendered to the lordhip of Christ.”
Itinuro din niya
ang LOVE TRIANGLE Principle kung saan si God ang nasa tuktok ng tatsulok at ang
babae at lalaki ang nasa magkabilang dulo. Habang pareho silang lumalapit sa
Lord, napapalapit din sila sa isa’t-isa. “Partners should have the same focus—to
please God in the relationship.”
Balikan natin muli ang signboards. Para saan ba
ito ginawa? Para ba mabawasan ang trabaho ng mga kapulisan o ang para sa ating
kaligtasan? Katulad ng mga naglalakihang sign
boards na ito, intension ng Panginoon na tayo’y maging ligtas. Nilikha ni
Lord ang Diyos ang ating mga puso para sa kanyang magandang layunin. At kung
tayo ay matututo lamang na sumunod, ay mararanasan natin ang Kanyang biyaya sa
ating mga relasyon.
Kapatid, huwag nang matigas ang ulo. BAWAL TUMAWID.
Kapatid, huwag nang matigas ang ulo. BAWAL TUMAWID.